Wednesday, September 24, 2003

Entry No. 68 Looks Family - Part 2

"Banda doon, meron akong narinig na ingay doon..." Papalapit ng papalapit ang tinig sa kanilang kina roroonan...

Lumapit si Pam nang dahan dahan kay Sir Vladimir para sabihin na merong papalapit sa kanila. Nasabi na niya kay Sir Vladimir ang kanilang sitwasyon nang ma realize niya na nasa basurahan pala sila. Mahahatsing si Pam sa amoy ng basura kaya dalidali tinakpan ng kamay ni Sir Vladimir ang bibig ni Pam.

Napigilan ni Pam na mahatsing ngunit napalitan naman ito nang pakiramdam na masusuka dahil sa baho ng kamay ni Sir Vladimir. Nakadampot yata ng tae ng pusa na hindi niya mawari kaya ganun na lang maduwal duwal si Pam sa amoy. Ngunit habang pinipilit niyang maduwal eh siya naman ang pigil ni Sir Vladimir.

"Paanong nakatakas ang mga yun Badong? Hindi ko maintindihan," galit na tanong ni Hector kay Badong. "Sinalsihan nga nila ako eh.." mabilis naman na sagot ni Badong habang patanaw tanaw sa madilim na parte ng bakod. Pinipigilan pa rin ng kamay ni Sir Vladimir ang pag duwal ni Pam.

"Eh bakit nakahubad ka," dugtong ni Hector. "Pihadong meron ka na naman masamang balak sa mga bihag," napa iling na sambit ni Hector."Sobra kasing maniac mo eh..kahit yata ano basta may titi papatulan mo,"

"Oy tigilan mo nga ako putah ka!" talak ng Badong.."Eh yung isang bihag..kung makatingin ka eh parang lalabasan ka..na abutan ko pa kayong magkayakap," maasim na talak ni Badong. "Kung hindi ko siguro kayo nahuli eh malamang eh pinagrausan mo nanaman yung isang baklang yun."

Tinignan ng masama ni Sir Vladimir si Pam dahil sa mga narinig mula sa kidnappers. Napatingin lang sa langit ang lola mo kunwari inosente sa mga pangyayari. Pero hindi pa rin ina alis ni Sir Vladimir ang kamay niya sa bibig ni Pam at bagkus ay hinigpitan pa niya. Na lalo naman na pa duwal ang Pam.

"Kasalanan mo ito! Malaki na sana ang kikitain natin, inuna mo pa ang kalibugan mo! galit pa rin ang tinig ni Hector. "Sige magsisihan tayo..sige.." sagot naman ni Badong. Habang papalayo na sila sa bakod dahil sa inis nito sa jowa. Habang pasunod naman si Hector na talak pa rin ng talak...Hindi na gaanong marinig nila Pam ang pag-uusap ng mga goon. Kaya tinanggal na ni Sir Vladimir ang kamay nito sa bibig ni Pam.

Nakahinga ang bakla sabay showcase"Gwaaarrrrrk!" Showcase as in Suka gagah!

"Ano yun?!" narinig ni Badong ang pagsuka ni Pam kaya dali dali silang bumalik sa bakod. Ganun na lang ang karipas ng takbo nila Pam para hindi sila mahuli.

Akmang baba na ng bakod si Badong at Hector nang "Hoy! Anong ginagawa ninyo dyan?" isang malakas na tinig ang nagmumula sa kabilang bakod na meron dalang nakakasilaw na flashlight na naka turo sa mukha ni Badong at Hector.

"Wa-Wala po nanghuhuli lang po ng gagamba," mabilis na paliwanag ni Badong.

"Ang tatanda nyo na nanghuguli pa kayo ng gagamba. Bawal kayo dito...private property ito..Sige umalis na kayo," saway ng malaking tinig sa palagay nila ay tanod or security guard ng subdivsion.

"Pasensya na po," paumanhin ni Hector. Habang natanaw niya na nakalayo na sila Pam at Sir Vladimir. Hindi napansin ng mama na may hawak ng flashlight sina Pam dahil mataas ang mga talahib. Minabuti na lang ni Hector na hatakin si Badong at tumakbo.

Habang sila Pam ay pilit na binababa ang t-shirt para hindi matanaw ang kaniyang kaselanan na ngayon ay aalog alog habang tumatakbo siya. Nang natiyak na nila na natakasan na nila ang mga goons ay nagpahinga muna sila sa isang malaking bato.

Hindi alam ni Pam kung paano niya tatakpan ang kaniyang puke. Habang si Sir Vladimir ay natatawa sa sitwasyon. Hinubad ni Sir Vladimir ang suot niyang polo at binigay niya ito kay Pam. Na touch naman ang bakla kaya kinuha niya ito ng merong pang pa beautiful eyes. "Thank you sir," pasalamat pa nito.

"That's nothing compared what you did back there..we need to get out of here before they could follow us..we need to find a phone..fast!"habol hininga na paliwanag ni Sir Vladimir.

Hindi na nagsalita si Pam. Pagkatapos nito itali sa bewang ang polo ni Sir Vladimir agad niyang hinawakan sa kamay si Sir Vladimir at hinila sa pagkaka upo nito at mga ilang lakad pa ay meron silang natanaw na bahay pumasok sila sa gate na parang wala lang at kumatok si Pam. "Finally! A house maybe we could ask for help!" masayang sambit ni Sir Vladimir.

"Tok Tok Tok" katok ni Pam "Seno yan?" tanong ng nasa likod ng pinto. "Ako," sagot na malumanay ni Pam.

Sabay bukas ng pinto nag salita ang nanay ni Pam. "Ay koya, ekaw pala yan! Bakit ang baho mo? At baket ganyan ang hetsura mo?"

Gulat na gulat lang si Sir Vladimir sa mga pangyayari. Habang hila hila pa rin siya ni Pam pa pasok sa bahay nila at inabot ang telepono.

"Inday sino yan?" tawag ng nanay ni Pam mula sa kusina. "Bakit ang baho pinapasok mo na naman si tiger 'noh na merong dalang diaper na puno ng tae... dugtong pa ng nanay ni Pam.

Hanggan sa lumabas ito sa kusina at nakita si Pam. "Pamfilo! Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit ka naka sando ng pang basketball, eh hindi ka naman marunong mag basketball, nung bata ka akala ko mahilig ka mag basketball, tapos nakita lang kita dun sa basketball court nanood ng mga nag lalaro na mga lalaking naka hubad," super talak ang mudra ni Pam. Nagulat pa ito ng makita si Sir Vladimir na walang suot na pang itaas na nasa telepono.

"It's busy.."itutuloy pa sana ni Sir Vladimir ang sinasabi ng matanaw niya ang nanay ni Pam na nakanganga sa kaniya. "Good evening M,am" yun lang ang nasabi ni Sir Vladimir sa nanay ni Pam.

"Ay gago kang bata ka! At nagdala ka pa ng basketbolista dito!" biglang reaksyon ng nanay ni Pam. "Pero in fairness guwapo siya at magalang," sabay bawi. "Good evening iho..please sit down," bati nito kay Sir Vladimir with matching super ngiti.

"Nay, hindi po basketbolista yan..Boss ko po, si Sir Vladimir," paliwanag ni Pam na naloloka sa mga talak ng nanay niya. "Meron ho ba tayong ulam dyan, paghain ninyo po muna kami saka ko po ikwe kwento ang lahat," habol na paliwanag ni Pam.

"Ay sige sige, magpalit ka muna meron akong niluto dyan bopis at dinuguan," sagot agad ni nanay. "Manong magbihis ka nga muna at nakakahiya sa bisita," saway ni nanay kay Pam.

"Ay ikaw na rin Vladimary," tawag ng nanay ni Pam kay Sir Vladimir na itinuturo na sumama kay Pam sa kuwarto para magpalit.

"Vladimir po nay..hindi po Bloodymary..Hindi po siya masyado nakaka intindi ng tagalog" saway ni Pam sa nanay.

"Ay sya samahan mo na sa kuwarto at maligo kayo at maghain na ako,,dali at ang babaho ninyo" nangangasim sa amoy ng dalawa na talak ng nanay ni Pam. "You go with Pam...you smell like cow shit," dugtong pa nito kay Sir Vladimir.

"I am really sorry mam....." nahihiyang paumanhin ni Sir Vladimir sa nanay ni Pam. Sumunod siya sa kuwarto ni Pam at sinara agad ito ng nanay ni Pam.

"Oy Inday anong tinutunganga mo dyan!" bulyaw ng nanay ni Pam. Habang si Inday ay nakatunganga pa rin na parang naglalaway na nakatitig sa pinto habol tingin pa rin sa makisig na katawan ni Sir Vladimir. "Sapak!" isang matinding batok ang natamo niya. "Iinit mo yung ulam kanina...haliparot ka talaga..nakakita ka lang ng guwapo eh natulala ka na dyan, punyeta ka, dali daling takbo si Inday sa kusina bago pa siya mabatukan ulit.

Sa loob ng kuwarto....

"Bet mo ba ang boxer shorts," tanong ni Pam kay Sir Vladimir na naghuhubad ng pantalon. "What," parang hindi masyado narinig ni Sir Vladimir ang sinabi ni Pam. Natigilan si Pam sa sinabi niya..masyadong baklang bakla ang tanong niya.

Kasi naman. First time talaga ni Pam magdala ng lalaki ni Pam sa kuwarto niya. At talaga naman hindi niya inisip sa buong buhay niya na ganito ka guwapo ang unang lalaki ang madadala niya sa kuwarto niya! Actually hindi ito first time meron na rin siya mga dinalang lalaki sa kuwarto niya pero bata pa siya nun...yun isa pa niyang kababata na tukling. Doon sa kuwarto niya sila naglalaro ng Barbie doll kasi baka meron makakita sa kanila.

Syempre kakaiba ito. Hindi sila maglalaro ng barbie doll or jack en stone. Iba ito sa lahat.

"What did you say?" ulit na tanong ni Sir Vladimir habang tuluyan na niyang natanggal ang pantalon. Tumambad kay Pam ang napaka guwapong lalaki na super sa kinis ang balat na naka puting puting brief lang.

Mga bakla pag si Pam ay hindi natauhan sa mga sandaling yun..Naku leche..hindi ko na alam ang karugtong..

5 Comments:

At 4:19 AM, Anonymous Anonymous said...

more! more! more! hehehehhe... baka sabihin mo naman sub3urn prinipressure k namin. cge lang just take your time. galing mo! mwahhhhh!

 
At 12:16 AM, Blogger sun3urn said...

Hi Chris! Paki basa mo ulit yung Entry 68 meron ako dinagdag...hehehehhe more to come

 
At 9:08 PM, Anonymous Anonymous said...

Putah ka! Pag si Pam hindi natauhan...walang magaganap sa kanila..Gagah!

 
At 10:09 PM, Anonymous Anonymous said...

aba nawala ako dun ha! akala ko nasa ibang dimensyon na ako! naiba lang pala ng kunti pero ayos din. hehehehe parang alam ko na ang susunod n mangyayari...wish ko lang may twist... sabay ganun?

 
At 2:42 PM, Anonymous Anonymous said...

uy! nasaan na ang susunod? grabe, excited na ako! nagiging pampagana namin ng seb ko yang blog mo... haha j/k... please, dugtungan mo na!

 

Post a Comment

<< Home