Entry No. 1 Novel
Hindi na yata makakalimutan ni Pam ang lalaking iyon. Sa sandali nilang pagkikita sa isang weird na accident.
Mahuhuli na siya sa trabaho kaya hinabol niya ang elevator bago ito mag sara, kaya hindi niya napansin ang madulas na likido nakakalat sa sahig. Nadulas siya at mistulang tumambling at mauuna ang ulo sasalpok sa sahig nang may kung sinong parang angel na sumalo sa kanya bago pa mabasag ang kanyang bungo. "Are you alright?" sabi ng a beautiful stranger. Parang tumigil ang ikot ng mundo ni Pam nang masilayan ang kaniyang tagapagligtas. Mapungay ang mga mata at napaka puting mga ngipin na naka ngiti sa kanya ang lalaki yun. Ang feeling niya ay siya si Shan Cai at niligtas siya ni Dao Ming Si. Meron din sigurong mga 10 segundo nangangarap siya ng ganito bago siya nakapag salita "Ah... hsieh hsieh ni..este...thank you..thank you...I am fine," at nag mandarin pa ang putah feeling niya chinese siya. Inalalayan siya ng lalaki sa pagtayo habang nakahawak siya sa matipunong braso nito. Parang ayaw na niya umalis sa pagkakahawak na iyon. Napaka bango niya...parang napaka sarap na almusal. "Sige mag ingat ka madulas ang sahig." yun lang at sumakay na ang makisig na lalaki sa elevator, na nanatiling nakabukas dahil sa mga pangyayari kasabay ng mga taong nakanganga at tulala na nakasakay dun. Saka pa lang ito sumara ng pinindot ang close button ng isa pang nagmamadali na empleyado na kakapasok lang. Nakangiti sa kanya ang lalaki habang sumasara ang pinto ng elevator.
Isang batok ang gumising sa kanya "Uy Pamfilo! Pare, anong tina tanga mo diyan late ka na naman? Lagot ka na naman kay sir!" bulalas ni Michael kasama niya sa trabaho. "Huh? Sori pare, nadulas kasi ako eh."sabi ng ating closeted na bading na bida.
SUBAYBAYAN...WALA PANG TITLE EH...ISIP ISIP PA AKO...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home