Entry No. 66 San kayo pupunta?
"San kayo pupunta?"
Sapat na ang narinig nilang yun para kumaripas ng takbo. Ngunit bago pa nagawa yun ni Pam nahawakan siya sa kamay ng kung sino man nagmumula ang tinig na yun.
"Hindi dyan ang tamang daan," parang pamilyar kay Pam ang boses na yun. Si Baste ang naudlot niyang dukit. Nagmamagandang loob sa kanila para makatakas. Mabuti na lamang hindi pa gaanong nakakalayo si Sir Vladimir kaya napigilan pa niya ito. "Sir, wait. I know this person. He will help us escape," pahabol na sabi ni Pam sa kaniyang amo.
Maski sa dilim mapapansin mo na may bakas na pagdududa sa mukha ni Sir Vladimir habang papalapit ito sa kanila."How did you know this guy? We just got here," pagduda ni Sir Vladimir na tanong kay Pam.
"Siya yung naghugas sa akin kanina nung pulos putik ang akin katawan," paliwanag ng lola mo habang nag papa beautiful eyes kay Baste ngumingiti habang nakatingin kay Pam. Parang nagdadalaga ang inarte ng lola ninyo habang nakikipag ngitian kay Baste.
"Then can you tell us how to get out of this blasted place?" tanong na parang naiinis sa mga pa tweetums ng dalawa.
"Sumunod kayo sa akin," dali daling hinawakan ni Baste ang kamay ni Pam na super kilig naman. Habang naka simangot naman si Sir Vladimir sa nakikita niya. "Ay bakit nag mama asim ang Sir Vladimir,, my gosh he's making gelli ba?" pabulong ni Pam sa sarili na feeling niya ngayon ay ang gaganda niya.
Natatanaw na nila ang gate papalabas nang biglang huminto si Baste. Ganun din ang dalawa na meron kabang nararamdamann sa mga sandaling yun. Si Hector dumadating, naglalakad papunta sa bodega habang aliw na aliw na pinag lalaruan ang magarang cellphone nakuha niya kay Sir Vladimir. Mayamaya pa nawala na sa kanila tanawin si Hector kaya umusad sila papalabas ng gate.
"Badong! Asan ka!" malakas na sigaw ni Hector ng hindi niya ito makita sa dapat niyang kinalalagyan. "Baste! Asan ba kayo?" dugtong ng tinig ni Hector na naghahanap pa rin.
Tuluyan ng naka labas ng gate si Pam at Sir Vladimir ng nakalapat ang katawan sa pader ng pa usad usad para hindi sila masilayan. "Sige babalik na ako sa loob, baka makahalata si kuya Hector," ang paalam ni Baste sa dalawa. "Sandali," pigil ni Pam sa binata. Na ikinais naman ni Sir Vladimir.
"Maraming salamat Baste," isang matamis na ngiti at hawak sa kamay ang pinadama ni Pam kay Baste na lalo naman kina imbyerna ni Sir Valdimir. "If we are lucky, we could still make it and not die here," reklamo ni Sir Vladimir sa dalawan nag papa cute ng biglang natigilan dahil sa comment na yun.
"Sige na tuntunin ninyo na lang yung kalsada at bilisan ninyo, baka maabutan pa kayo. I-try kong istorbohin si Kuya Hector para hindi niya mapansin wala na kayo," yun lang tuluyan ng lumisan si Baste. Na habol tingin na lang si Pam na asa asa pa na makadukit ang yummy na kuya.
"I could leave you here if you like," hindi talaga maikubli ang pag ka inis ni Sir Vladimir sa mga ruta na iyon ni Pam. Binalingan naman ni Pam ang amo at dali dali na lang sila tumakbo patungo kung saan...hindi nila alam.
"I was just trying to say thank you," paliwanag ni Pam. "I think you did that already," sagot ng isa. Napangiti na lang si Pam sa reaksyon ng amo. Paran natutuwa siya na naiinis na hindi niya mawari. Nagseselos ba itong amo niya kay Baste. Grabeh ang ganda ganda ng lola ninyo.
Takbo sila ng takbo. Ngunit sadyan malayo yata sa kabihasnan ang lugar na iyon dahil wala silang makitang bahay o kahit isang tao sa kalsada. Hanggan sa mapadpad sila sa isang lugar na parang pamilyar kay Pam.
"Teka nga..parang pamilyar itong lugar na ito sa akin," nasambit niya ng malakas na ikinagulat na rin niya ng marinig ang sarili.
"Then where are we? We need a telephone were we could contact my father and the police," sagot ni Sir Vladimir.

3 Comments:
Looking for information and found it at this great site... Georgia culinary arts school Feeling penis Honda s2000 comparison tests to porsche boxster phone service Lexus locklear free Superjack gate opener
Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. »
Enjoyed a lot! maytag dishwasher Q & a renault megan Delivering ringtone via the web Breast nudes teen nudes amature women small breasts Land rover discovery parts seattle2c wa
Post a Comment
<< Home