Tuesday, October 14, 2003

Entry No. 49 Abducted Another

Lady Boss: Anong ibig sabihin nito Hector?!

Tuliro ang lady boss sa mga sandaling iyon. Habang nananatiling nakatutok kay Pam ang baril na hawak nito siya rin namang ang diin ni Hector sa ulo niya ng baril.

Hector: Sawang sawa na ako sa kakamando mo sa akin! Masyado kang sugapa!
Lady Boss: Hindi mo alam ang sina sabi mo. Kapag nagtagumpay tayo dito, magagawa mo na ang lahat ng gusto mo.
Hector: Hindi mo na ako maloloko ngayon. Kilala ko na ang ugali mo. Bitawan mo ang baril kung ayaw mong maging sisig ang utak mo.

Ngunit bago pa bitawan ng lady boss ang baril at bago pa tuluyang makahinga si Pam sa pagkakaligtas sa kaniya ni Hector ay...hindi niya namalayan na nasa likod niya si Valerie at tinutukan din siya nito ng baril.

Valerie: Kung gusto mo pang mabuhay. Alisin mo ang pagkakatutok ng baril mo kay boss.
Hector: Hahahaha
Badong: Magsama kayo ng amo mong mandurugas sa impyerno!

Tinutukan ni Badong si Valerie ng uzi. Wala itong nagawa kung hindi alisin ang pagkakatutok kay Hector at ihagis ang baril sa malayo. Walang nagawa ang lady boss kung di sumunod sa kagustuhan ni Hector. Iginapos nila ang dalawang babae.

Lady Boss: Wala kang utang na loob. Pagkatapos ng mga pagmamalasakit ko sa iyo. Ito ang igaganti mo sa akin!
Hector: Kung ano man iyon. Matagal ko na yon nabayaran. Dahil sa pagkakamaltrato mo sa akin!
Lady Boss: Walang hiya ka! Pag nakatas ako dito. Humanda ka! Papatayin kita!

Kinuha ni Hector ang cell phone ng lady boss na lalong ikinagalit ng huli. Isinakay nila uli si Pam sa kotse at itinabi kay Vladimir na wala pa ring malay. Napansin ni Pam na tanggal na ang buttones ng amo. Masisilayan ang isang dibdib ni Vladimir na meron napaka pulang nipples. Sobrang kinis at kasing puti ng gatas ang kutis nito. Walang kahit maninipis na balahibo makikita sa dibdib nito. Para siyang anghel na natutulog. Marahang gumapang si Pam sa tabi ng amo at iginala ang nakataling kamay sa dibdib ng huli. Parang nakukuryente siya sa kilig habang dinadama niya ang lambot at mala baby na kutis ni Vladimir, nang pagkuway.

"Huh?!" biglang nag kamalay si Vladimir na ikinagulat ni Pam kaya nahulog ito sa upuan. "Pam what are you doing on the floor? And why are you tied up?" nahihilong tanong ni Vladimir.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home