Wednesday, October 08, 2003

Entry No. 54 Sebastian

Hindi talaga masikmura ni Pam ang kaniyang nasilayan kanina. Si Hector at Badong. Magjowa! Masakit sa ulo. Na turn off si Pam kay Hector. Parang hindi niya matanggap na nakikipag relasyon itong makisig na lalaking ito sa isang obesse. Pumasok sa isip ni Pam na marahil ay ginagamit lang niya itong si Badong para maka kuntyaba sa mga plano niya.

"Parang awa nyo na po huwag po ninyo ako patayin!" pakiusap ni Pam.

"Tanga! Hindi ka namin papatayin. Papaliguan ka lang ni Badong!" sagot ni Hector.

"Huwag na po kayo mag abala. Okey lang po ako...huwag na po siya" pilit na pagsusumamo ni Pam

"Ha? Huwag na po siya? Ano sabi mo?" parang naguluhan si Hector sa pakiusap ni Pam. Ito kasing baklang ito ayaw si Badong ang magpaligo. Syempre ang gusto niya si Hector ang magpaligo sa kaniya. Malandi ang puta. Naiisip pa yun sa mga pagkakataon ito.

"Gusto niya yata ikaw mag paligo sa kaniya! Bakit kasi hindi na lang natin siya patayin!" biglang nakuha ni Badong ang gustong mangyari ni Pam.

"Wala siyang kasalanan. Ako ang nagkamali kung bakit siya nandito ngayon. Kung ayaw mo siyang paliguan si Baste na lang utusan mo!" paliwanag ni Hector kay Badong.

"Okey babe, sinabi mo eh," tugon ni Badong.

Ikinaloka iyon ni Pam. Hindi niya akalain na meron pa pala silang terms of endearment. "Babe" kung sabagay may hawig nga sa baboy itong si Badong.

Pero sige pa rin ang pilit ni Pam na huwag na lang maligo. "Huwag na po. Okey lang po ako.." pero parang walang naririnig si Hector.

"Babe, sabihin mo kay Baste na huwag mo na siyang kalagan kapag pinaliguan. Baka kasi makatakas pa," habol na utos ni Hector sa jowa (eeeeewww). Jowa talaga. Tumango na lang si Badong sa instruksyon ng jowa habang hilahila si Pam sa paa na animoy kakatayin na manok. "Aaarrggh..huwag po" yun lang ang nasabi ni Pam. Gusto sana niyang makiusap na pakawalan na lang siya dahil hindi naman talaga siya dapat nan doon. Pero parang hindi makikinig sa kaniya ang mga ito. Bagkus, ay patayin pa siya.

Huminto si Badong sa pagkakaladkad kay Pam nang marating nila ang mala public toilet na banyo. Marumi ito at napaka panghi. "Please huwag na lang po. Matutuyo din po ang mga putik na ito." Ngunit nakalayo na si Badong. Naririnig niyang may tinatawag si Badong. Baste ang pangalan nito. Isa sa mga kidnappers.

"Sebastian! Asan ka ba lintik ka!" malakas na tawag ni Badong sa hinahanap.

Mula sa madilim na sulok ng lugar na iyon bumulwak ang isang lalaki. Madilim. Hindi masyado maaninag ni Pam ang mukha ng lalaki. "Oh Kuya Badong.....dumating na pala kayo," nagmamadaling sagot nito. Mababakas sa boses ng lalaki na may para itong tinatago. Nasilayan ni Pam ang magandang katawan ng lalaki. Kung titignan mo sa pangangatawan ay napaka kinis nito at mukhang bata pa. Marahil ay nasa bente o kaya bente dos pa lang nag binatang ito. Lalong napasin ang kaputian nito dahil sa suot nitong itim na sando. Hindi masyadong malaki ang katawan niya ngunit wala namn itong tiyan na malaki. Payat pa nga ito na masasabi dahil walang ka muscle muscle ang mga braso nito. Ngunit may konting laman ang kaniyang dibdib. Bumaba ang mata ni Pam sa bukol ng binata. Hindi siya makasiguro kung bukol ba iyon o sadyan pag umbok lang ng sng kaniyang puting basketball shorts.

"Inubos mo na namn yung supply nating Marijuana!" bintang ni Badong.

"Hindi po kuya. Meron pang natira," nagpapaliwanag ang binata habang nagkakamot ng ulo.

"Nag papaliwanag ka pa! Sige paliguan mo ito! Huwag mo siyang kakalagan! Pag nakatakas yan, lagot ka kay Hector!" utos ni Badong.

"Siya ba si Sir Vladimir? Bakit puro putik siya?" tanong ni Baste.

"Hindi, napasabit lang siya. Huwag ka nang matanong basta paliguan mo siya," inis na paliwanag ni Badong sa binata.

Nakita ni Pam ang mukha ng binata ng nilapitan siya nito. Mukhang mabait siya. Actually kamukha niya si Dennis Trillo! Ngumiti ito sa kaniya. Parang tumulo ang laway ni Pam sa napaka delicious na kuyang nakikita niya. Nang makita ito ni Badong bigla itong nagsalita. "Oh ano ateng? Ayaw mo na ba talagang maligo?" tanong ni Badong kay Pam.

"Ay ateng, medyo malagkit na nga sa katawan ang putik. Hindi na sya magandang tignan. Lalo na pag tinabi ninyo ako kay Sir Vladimir...nakakahiya...ano na lang ang sasabihin niya. Na hindi kayo marunong mag alaga ng mga hostages ninyo.." patuloy sa pagpapaliwanag si Pam nang "Tse! Ang dami mo pang kuda. Nang makita mo lang si Baste eh nag water water ka na. Malandi ka talaga!" bulyaw ni Badong.

NAKU! Matuloy pa kaya ang shower adventure ng lola ninyo kay Baste?