Monday, September 29, 2003

Entry No. 63 Escape from the Bodega

Hindi pa rin tinatanggal ni Sir Vladimir ang kaniyang kamay sa ilong dahil sa sobrang sangsang ng amoy ng utot ni Pam. Nanatili siyang naka salampak sa sahig habang si Pam ay bumababa sa mini-ref upang suyuin ang isa. Agad nito hinanap ang alcohol at pinisil niya ito sa paligid ni Sir Vladimir para lang mapagtakpan ang amoy. Isinahod pa ni Sir Vladimir ang kaniyang kamay para makasagap ng alcohol na parang yun ang bagay na makakapag ligtas sa kaniyang buhay.

"I am really sorry sir," pagsusumamo ni Pam sa amo. Nang mahimas masan na si Sir Vladimir ay parang nabunutan ito ng tinik at huminga ng malalim. Naka tingin lang si Pam kay Sir Vladimir hindi alam kung ano ang gagawin. Ngunit ng nginitian siya nito ay nabuhayan siya ng loob. "It's alright, It's a natural thing that you can't control," ang nasabi lang ni Sir Vladimir. "Did you know that in the states, they will rather smell your fart than see you burp in front of them," dugtong pa nito para mabawasan ang kahihiyan ni Pam. "For the reason they don't see how you fart or just maybe especially in groups they don't know who farted," sige pa rin ang paliwanag ni Sir Vladimir dahil si Pam ay naka yuko pa rin sa kahihiyan.

Haharapin na sana ni Pam si Sir Vladimir nang nag salita ulit ito. "Well in this case I know it's you," napa ngiti si Sir Vladimir sa nasabi niya. Yun naman ang pag yuko uli ni Pam ng ulo. Dahan dahan hinawakan ni Sir Vladimir si Pam sa chin at ina anggat ang ulo nito. "Its okay, I really don't mind," sinambit ito ni Sir Vladimir habang hawak niya sa chin si Pam.

Super kilig naman ang baklang Pam. Nagtama ang kanilang mga mata. Parang meron kung anong bagay na appreciate ni Sir Vladimir sa maamong mukha ni Pam. Dahil na rin siguro sa awa, sa kadahilanang na damay sa ganitong sitwasyon si Pam. Naisip niya, kawawa naman siya. Wala siyang kinalaman dito. Naglapit ang kanilang mga mukha. Nalanghap ni Pam ang mabangong hininga ni Sir Vladimir na parang hininga ng sanggol. Nagpipigil pa si Sir Vladimir kung gagawin niya ba ito. Napatingin siya sa mga mata ni Pam. Naramdaman niya ang pagsang ayon nito. Si Pam naman ang bahagyang lumapit sa mukha ng amo para lalo pa nito maramdaman ang pagnanasa niya. Ngunit tumigil ito nang bahagya na meron pa rin pag aalinlanggan sa sarili. Si Sir Vladimir naman ang bahagya inilapit ang kaniyang mukha tugon sa pagkilos ni Pam. Halos magdikit na ang kanilang mga labi sa lapit. Nararamdaman ni Pam ang mainit at mabangong hininga ni Sir Vladimir na sa ngayon ay pabilis ng pabilis na nagmumula sa matangos nitong ilong. Pumikit kapwa ang kanilang mga mata.

Naglapit ang kanilang mga labi......yun naman ang todong sugod ni Pam ngunit hindi ito tumama sa labi ni Sir Vladimir dahil ang huli ay nagtungo sa kaliwang tenga ni Pam at merong ibinulong. "Pwede ba akong pumatong sayo," bulong na tanong ni Sir Vladimir sa tenga ni Pam.

Hindi malaman ni Pam kung totoo ba itong naririnig niya. Kasabay nang pagdilat ng mga mata ni Pam. Gusto niyang sampalin ang sarili para malaman kung nananaginip ba siya. "Puwede ba akong pumatong sa iyo," inulit ni Sir Vladimir ang pag bulong nito sa tenga ni Pam. Hinarap ni Pam ang amo para tignan ito sa mata para tanungin kung totoo ang mga sinasabi nito. Hindi kasi siya makapaniwala sa naririnig niya, nag Tagalog kasi ito. Baka hindi niya alam ang sinasabi niya.

"Sir ulitin ko lang ang sinabi mo ha, gusto mo pumatong sa akin," tanong ni Pam. "Oo, huwag ka mag alala magaan lang ako," tugon ni Sir Vladimir. Naloka ang bakla. Hindi niya akalain na ganito ang gusto ng kaniyang amo. Pero parang ang bilis naman, wala man lang fore play, patong agad. Nagiisip pa ang bakla. Hindi kasi siya bottom. Paano kung malaki ang kargada ni Sir Vladimir, baka hindi niya kayanin. First time niya ito.

"Pero kung ayaw mo okay lang," paliwanag ni Sir Vladimir. Nabigla ang bakla, baka bigla magbago ang isip pa ni Sir Vladimir. Keri lang siguro ito, at least englatera ang ba bayo sa kaniya. "Sige!" walang ka abog abog pumayag ang bakla.

Tumayo agad si Sir Vladimir at nagsenyales na abutin ang kamay niya ni Pam. Inabot ni Pam ang kamay ng binata at hinila siya nito patayo. Medyo napalakas ang hila ni Sir Vladimir kaya nasubsob siya sa amo at napayakap. Sinuklian lang ng ngiti ni Sir Vladimir si Pam. Hinawakan niya si Pam ng magkabilang kamay sa balikat at saka ipinihit ito patalikod.

Napapikit ang putah sa naiisip gagawin nang amo. Nang bigla siyang iniharap sa personal ref nang hindi niya mawari. Nagulat pa siya nang pinapa akyat siya sa ref nito. Kakaiba yata ang trip nito. Wala siyang magawa kung hindi umakyat sa taas ng ref. Sinundan siya ni Sir Vladimir sa taas ng ref, kaya lalong napalapat ang katawan ni Pam sa pader. Hinawakan siya ni Sir Vladimir ng mag kabilang kamay sa balikat. Damang dama ni Pam ang bukol ni Sir Vladimir sa kaniyang likuran.

Tinutulak siya ni Sir Vladimir pababa upang ma upo. Hindi niya ito maintindihan, dahil nakatalikod siya dito, ngunit wala siyang magawa kung di mapa upo sa lumang refrigerator na sa mga sandaling yun ay parang bibigay na sa bigat nila. Nagulat na lang siya dahil biglang nagtanggal ng sapatos si Sir Vladimir.

7 Comments:

At 10:56 PM, Anonymous Anonymous said...

Bakla ka...dagdagan mo ito..mambitin ba talaga.

 
At 5:02 PM, Anonymous Anonymous said...

Musta ka na Sun3urn? I really love your writing style.. sana okay ka lang and your sched so you could continue the story... bitin e..

 
At 5:22 PM, Anonymous Anonymous said...

uy! dagdagan naman!!! sana meron gumawa ng movie using your novel...grabe, sa dami ng mga bading sa'tin, blockbuster talaga yan!

keep up the good work!

~liam

 
At 9:28 AM, Blogger sun3urn said...

Pongi,

Yung Bintana. Gustong abutin ni Sir Vladimir ang bintana.

 
At 9:30 AM, Blogger sun3urn said...

Hi Guys,

Pasensya na ha. Medyo busy lang ang lola ninyo this past few weeks.

 
At 8:14 PM, Anonymous Anonymous said...

Best regards from NY! forex news http://www.unlocked-gsm-phones.info Teen anal cumshots survive stephanie bentley mp3 Welcome to the florida lottery buy celebrex onlinea Nissan motorsports

 
At 4:10 PM, Anonymous Anonymous said...

Where did you find it? Interesting read Serwis mazda Mixing different medication Company direct email marketing bextra 10 mg celexa price rating accounting software football rules pontiac sunfire

 

Post a Comment

<< Home