Entry No. 65 Escape from the Bodega - Last Part
Badong: Anong ingay yung narinig ko?!
Mula sa pagkakayakap ni Sir Vladimir kay Pam buong lakas niya ito na itulak papalayo sa kaniya, na ikinagulong naman ni Pam. Tumigil lang ito sa kakagulong nang tumama siya sa pader.
Sir Vladimir: It was nothing....we are just trying to get some sleep..
Napakunot ang noo ni Badong mula sa sagot ni Sir Vladimir. Hindi natin maintindihan kung hindi lang niya makuha ang English ni Sir Vladimir o nawari niya ito ngunit hindi niya maintindihan kung bakit lilikha ito nang ganung ingay.
Biglang nag bago ang anyo ni Badong ng napansin ang isang mala strawberry sa pula ang isang utong ni Sir Vladimir na lumuwa mula sa kaniyang suot na polo dahil sa pagkakahulog nila. Parang nanakam pa ang mga labi ni Badong habang tinititigin ito. Napansin iyon ni Sir Vladimir kaya agad niyang inayos ang sarili.
Samantala si Pam ay mahilo hilo pa mula sa pagkakaikot niya. Pinilit niyang tumayo tungkod ng dalawang kamay na bina balanse ang sarili.
Sir Vladimir: What do you want?
Badong: Heh! Tigilan mo ako sa kaka ingles mo!
Sir Vladimir: Ano ang gusto mo? Bakit ka nandito?
Badong: Marunong ka rin naman pala mag tagalog eh. Ang dami mo pang arte.
Binalikan ni Badong ang pinto at ini lock niya ito, at muling hinarap si Sir Vladimir haband sinisilid ang susi sa kaniyang pantalon.
Si Pam ay pinipilit pa ring tumayo sa kaniyang kinalalagyan. Mula sa pagkabagsak nila sa taas ng personal ref ay itinulak pa siya nang amo na nag dulot sa kaniya ng sobrang sakit ng ulo.
Nilapitan ni Badong si Sir Vladimir na may roong matinding pagnanasa. Napa atras si Sir Vladimir sa mga titig na iyon ng kriminal. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Lubhang napaka laking tao ni Badong hindi niya ito kaya. Hindi maka kilos si Sir Vladimir nang hinawakan siya ni Badong sa mag kabilang braso.
Sir Vladimir: What are you trying to do? Leave me alone! Pam wake up help me!
Nakatayo na si Pam pero medyo hilo pa rin. Nakita niya na hawak hawak ni Badong si Sir Vladimir sa mag kabilang braso at pilit na nilalapit nito ang mukha niya sa amo.
Pam: Hoy! Bitawan mo siya! (Akin siya. bakla ka. - pabulong)
Pilit na nagpupumiglas si Sir Vladimir sa mahigpit na yakap ni Badong. Feeling niya para siyang isang saging na pinipisil papalabas sa balat nito. Gumapang ang mga halik ni Badong sa leeg ni Sir Vladimir na pinandirihan ni Pam.
Dali daling lumapit si Pam at pinagsusuntok ang tagiliran ni Badong. Ewan ko ba kung suntok talaga yun kasi parang nakikilit lang ang epekto kay Badong. Hanggan sa sinabunutan na niya ito nang duma dantay na ang mga labi nito sa utong ni Sir Vladimir.
Naloka ang baklang goon at biglang umalma sa sabunot ni Pam. Binitawan niya si Sir Vladimir at hinarap si Pam, na ikinagulat naman ng huli. Isang malakas na suntok sa pisngi ang natamo ni Pam sa mala trosong kamao ni Badong. Humagis si Pam sa lumang personal ref.
Sir Vladimir: Pam! You pig! What have you done to him!
Binalikan ni Badong si Sir Vladimir habang tinatanggal nito ang kaniyang t-shirt. Tumambad kay Sir Vladimir ang mabuhok at matabang lalake. Ngunit bago pa mapuntahan ni Sir Vladimir si Pam para saklolohan ay nahila na siya ni Badong sa colar ng kaniyang polo. At hinarap niya ang binata sa kaniya. Hindi makakilos si Sir Vladmir sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Badong. Isang mahigpit na kapit sa kaniyang polo sabay pinunit ang suot ni Sir Vladimir. Strippped!
Sir Valdimir: Hey that's a Brioni!
Tumambad kay Badong ang mala gatas na kaputian at makinis na katawan ni Sir Vladimir. Sinuntok ni Sir Vladimir si Badong sa mukha ng buong lakas na ikinabaling ng mukha ni Badong. May konting bahid ng dugo ang kaniyang bibig nang binalikan niya ng tingin si Sir Vladimir. Nandilat si Sir Vladimir na hindi man lang ininda ng goon ang kaniyang suntok. Hindi na niya naiwasan maka ilag nang sinik mura siya ni Badong at sinundan pa ng isang upper cut.
Dahilan para mawalan ng malay si Sir Vladimir at mahandusay ito sa sahig na naka harap sa kaniya. Lalo pang nalibugan si Badong sa itsura ni Sir Vladimir na naka higa sa sahig. Dali dali nitong hinubad ang kaniyang saplot ang inumpisahan ng dilaan ang pisngi ng binata.
Na alimpungatan si Pam mula sa pagkakasuntok sa kaniya ni Badong. Inadjust niya ang kaniyang mga mata para ma aninag ang dalawang hugis ng tao na naka higa sa sahig. Nan laki ang mata nito nang na mataan si Sir Vladimir na wala ng polo at dina dilaan siya ni Badong na animoy ice drop.
Nag salubong ang mga kilay ni Pam at na sambit sa sarili "Putang inang bakla ito at uunahan pa ako!"
Parang isang walang laman na kahon nabuhat ni Pam ang gutay gutay na personal ref patungo sa kina roroonan ni Badong at Sir Valdimir.
Pam: Oy bakla! Alis dyan!
Hindi na nagawang umiwas ni Badong nang inangat niya ang ulo niya para harapin si Pam. Bigla na lang humampas sa kaniyang mukha ang personal ref at tumalsik siya sa pinto ng bodega.
Hawak hawak pa rin ni Pam ang personal ref nang magkabilang kamay habang pinag mamasdan si Badong na walang malay. Hanggan sa na realize niya na mabigat ang kaniyang buhat kaya nabitawan niya ito at tinamaan pa ang kaniyang paa.
Pam: Aray! Punyeta.
Napansin niya si Sir Vladimir na wala pa rin malay. Nilapitan niya ito para gisingin upang makatakas na sila sa bodegang iyon. Ngunit bago pa niya ito ginawa ay pinag masdan niya muna ang hubad na katawan ni Sir Vladimir. Siguro meron din isang minuto ito. Hindi pa sana niya ito gigising hanggan sa narinig niya ang unggol ni Badong.
Dali dali niyang ginising ang amo.
Pam: Sir, wake up! Wake up! We need to get out of here.
Sir Vladimir: Wha..what happened? My stomach hurts.
Pam: Sir muntik na kayo mapag samantalahan ng kidnapper.
Sir Vladimir: What?!
Biglang napa tayo si Sir Vladimir at hinanap si Badong. Nagulat siya nang nakita niya ito na naka handusay sa pinto ng bodega.
Pam: Sir we need to get out of here!
Sir Vladimir: You are right. Let's go!
Nilapitan nila si Badong at pilit na inu urong ang kaniyang katawan naka harang sa pinto.
Sir Vladimir: How this thing get here? (tanong niya kay Pam habang tinuturo ang personal ref na gutay gutay.)
Pam: I threw it to him. (buong pagyayabang ni Pam.)
Sir Vladimir: Then why the hell you can't move him out of that bloody door.
Pam: I have no idea.
Finally na ilayo nila si Badong sa pinto ngunit hindi nila ito mabuksan dahil sa naka kandado ito. Pinuntahan ni Sir Vladimir ang pantalon ni Badong para kunin ang susi. Ngunit nagising si Badong at nahawakan siya sa kamay! Alerto si Pam hinampas niya kaagad ng kahoy sa ulo si Badong kaya nawalan ulit ito ng malay.
Napangiti lang si Sir Vladimir sa kaniya. Nabuksan nila ang pinto saka dali dali silang lumabas ng bodega.
Malaki ang lugar at napaka dilim..kinakapa nila kung saan sila lalabas sa malaking lugar na iyon. Papalabas na sila ng gate nang "Saan kayo pupunta?"

9 Comments:
sun3urn,
Tanong ko lang, nung pinunit ni Badong yung damit ni Sir Vladimir bigla niyang nasabi " Hey that's a Brioni!". Ano yung Brioni?
Thanks
gagah! brioni, signature na brand yan ng mga damit!
The Brioni brand stands for perfectionism, quality and impeccable Italian tailoring. Choose from over 5,000 different fabrics and get your very own made-to-measure Brioni suit; you'll be part of an elite of only 25,000 customers worldwide.
The name Brioni first appeared in 1945 when master tailor Nazareno Fonticoli and fashion designer Gaetano Savini opened one of the first men's fashion houses in Rome's central Via Barberini. The two partners named it Brioni after one of the most elegant resorts on the Adriatic coast. Its custom tailoring was a favourite haunt of Europe's aristocracy and has remained a reference point for quality shopping to this day.
tarush amf! lolz
ang haba ng story ah. ilang chapters ba ito? hindi pa tapos eh.
hey! where's the next post? ang tagal naman... naiinip na kami...!!! argh!
the best talaga mga blogs mo ! 2 thumbs up!
hey! kailan mo ba 'to dudugtungan?! inip na ako.
maganda story nito, tuloy mo!
Post a Comment
<< Home