Wednesday, October 15, 2003

Entry No. 48 Abducted

Naloka ang bakla!

"Bilisan mo Badong! Baka maabutan pa tayo ng mga bodyguard ni Vladimir." talak ng lady boss.
"Ano boss tutuluyan ko na ito?" tanong ni Valerie sa boss habang nakatutok ang baril sa ulo ni Pam.
"Huwag ka makialam Valerie! Problema ko yan!" biglang hawi ni Hector ng baril ni Valerie.

Parang na touch na namn ang bakla sa tugon na iyon ni Hector. Feeling niya meron siyang hero.

"Ako ang tatapos sa kaniya." sagot ni Hector. Na bigla namn ikinagulat ni Pam sa pagaakalang ililigtas siya nito sa tiyak na kamatayan.
"Magsitigil kayo! Hindi ako makapag isip!" bulyaw ng lady boss.
"Parang awa na po ninyo hindi po ako magsusumbong..." nanginginig na pagsusumamo ni Pam sa kaniyang mga abductors.

"Pasakan nga ng panyo ang bibig ng bihag! Badong ihinto mo ang sasakyan! Dito na natin siya patayin!" utos ng mahaderang boss.

Huminto ang sasakyan sa madilim na lugar. Pilit na pumapalag si Pam sa pagkakatali sa kaniya..ngunit sobrang higpit nito...wala siyang magawa lalo na ng binuhat siya ni Hector...nilapag siya nito sa damuhan. Mabilis kumilos ang babaeng boss..tinutok niya sa ulo ni Pam ang baril na inagaw niya kay Hector. Napapikit si Pam...hindi malaman ang gagawin..napapaluha siya sa takot..."Bitawan mo yan!" may malaking boses na nanggagaling sa likuran ng babae..naramdaman na lamang niya na may nakatutok na baril sa ulo niya..hindi kumikilos ang ulo niyang nilingon ng mata niya kung sino ang nagsasalita habang nanatiling nakatutok ang baril na hawak niya kay Pam.

ITUTULOY BUKAS