Saturday, October 18, 2003

Entry No. 55 Toothing - Part 3

"Mam pinapatawag daw po ninyo ako?" ani ni Hector, habang tumutulo ang pawis, dahil baka sapitin niya rin ang nangyari sa kasama na dead.

Lumingon sa kaniya ang babae at ngumiti ito habang nakataas ang kilay."Sa susunod Hector na gawin mo pa ito. Ihahampas ko sa iyo ang Plasma TV at itatapon kita sa ilog para makapiling mo si Marina!" parang nag shower si Hector sa dami ng laway na tumalsik mula sa babae. Kulang na lang ay makita niya si Marina sa ga-baldeng buhos ng laway na iyon.

"Hindi na po mauulit. Promise mam," paki usap ni Hector na nakaluhod pa.

"Bueno, according to my source na a-attend si Vladimir sa isang convention," paliwanag ng babae. "This is the right time para makidnap natin si Vladimir," suggest ni Hector.
"Pero paano? Pihadong nakapaligid ang mga bodygurads niya," dugtong pa ng lalaki.

"Simple. Toothing." sagot ni babae
"Toothing?" tanong ni Hector.
"Oo. Toothing. Balikan mo na lang yung Entry No. 44 ayoko ko na mag explain kung ano ang toothing," paliwanag ng tamad na babae.

"According to my source....may duda siyang bading si Vladimir...hindi ko alam kung bakit niya nasabi yun," sige ang talak ng babaeng master mind ng kidnapping "Kaya dalawa tayong magte-text sa kaniya." talak another......

------------------------ADDITIONAL TALAK------------------------


"So ang gagawin natin ay i te-text si Vladimir using kunwari blue tooth technology," paliwanag ng babae habang ina access ang phone book ng kaniyang Nokia 9290 Communicator.

"Ibig sabihin madam bibilan mo ako ng bagong phone na may blue tooth," nanlalaki ang mata ni Hector habang nagsasalita. "Okey na sa akin madam yung Nokia 6600. Para hindi masyadong mahal." sabay ngiti hanggang tenga.

"Gago! Kunwari nga lang eh." bulyaw ng babae. "And besides, sold separately pa ang accessory ng blue tooth ng 6600. Gumagana pa namn yang cellphone mo ah." dugtong pa niya.

"Ano po? Itong pong 5110, mam namn punta po tayo ng convention tapos ito po ang cellphone ko. Baka hindi po ako paniwalaan ni Sir Vladimir." paliwanag niya na parang kawawa. "Minsan nga po nahihiya akong mag txt dito. Buti pa yung nagtitinda ng kakanin diyan sa labas naka 7650. Hanggan five lines lang ang text msg kaya magastos minsan pag gusto ninyo ng detailed report. Tapos 13 lang yung musical tones ang babaduy pa. Up to 160 characters lang kaya i received ng text message..kaya minsan delay ako sa mga bilin ninyo...Mam...ito na lang po yata ang may antena na cellpon ng nokia eh." sige ang pag mamaka awa ng pobre.

Sabay tawanan ng mga goons dahil sa itsura niya. "HA HA HA HA HA HA HA HA HA" ang iba ay gumugulong sa kakatawa. Habang si Hector namn ay naka yuko at awang awa sa sarili.

"Mag sitigil kayo!" saway ng babae. Bigla naman ang paghinto ng mga goons na animoy na mute na TV.
"Bueno, Bibili tayo ng cellphone," sabi ng babae na parang na antig na tauhan.
"Oh eto ang pera bumili ka ngayon at bukas ng umaga ay aalis tayo. Mag bihis ka ng maayos...mag necktie ka. Ito ang invitation. Huwag mo iwawala yan ha." tuloy tuloy na paliwanag ng babae habang inaabot kay Hector ang pera.

Biglang nag naglaho ang ngiti ni Hector ng abutin ang 4,000 pesos."Madam, eh 3310 lang po ang mabibili ko dito. Baka second hand pa. Di pa sya polyphonic," dahilan pa ni Hector.

"Aba maarte ka. Tama na yan. Kapag nag bayad ng ransom ang tatay ni Vladimir, bibilan kita ng limang cellpon." sabi ng babae sabay bukas ng pinto. "Alas otso ng umaga sunduin mo ako sa bahay." sabay bagsak ng pinto.

Lumingon si Hector sa mga kasama na pinipigil ang mga tawa...hanggan sa naka siguro na silang wala na ang boss..."HA AHA AHAHAHAHAHAHA" bigay todo ang tawa ng mga ito.

NEXT WEEK ULIT

0 Comments:

Post a Comment

<< Home