Tuesday, October 21, 2003

Entry No. 42 Haller!

Parang impyerno sa init ang opisina ng araw na yun. Kaya naman minabuti na lang ng management na pauwiin ang mga empleyado dahil matatagalan bago magawa ang air-conditioning.

Mga opisina lang ng boss at mga computer servers lang ang may back-up na air-conditioning. Makikita sa bakas ng mukha ni Trina ang irita sa sobrang init. Kaya tinanggal niya ang blazer sa pag aakalang nag uwian na ang karamihan sa mga empleyado. Hinihintay niya si Ms. Raven dahil sasabay ito sa pag-uwi. Makinis ang kutis ni Trina kaya malakas ang loob niyang natanggal ang blazer niya at tanging tube na lang ang natira niyang saplot sa pantaas. Lingid sa kaniyang kaalaman ay ang mga kalalakihan ay nagtatago sa isang cubicle at pinapanood siya habang nagpupunas ng pawis.

Napansin ito ni Jobel ang assistant ni Sir Vladimir, kaya tinungo niya si Trina ng hindi namamalayan ng mga lalaki. Pero napansin ito ni Michael kaya hinabol niya si Jobel bago pa ito umabot kay Trina at magsumbong.

Natigilan lang ang dalawa ng biglang na pa tayo si Trina at napatingin sa dalawang patungo sa kaniya. Parang nailang siya sa kaniyang kasuotan ng sandali. Ngunit ng napansin niyang si Jobel ito. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Napahinto rin si Michael. Naghihintay kung ano ang sasabihin ni Jobel, since sa palagay niya ay hindi ito pagmamalasakitan dahil inis siya dito.

Parang nabigla si Jobel. Naisip niya. Bakit nga ba kailangan kong sabihin dito sa malanding ito na binobosohan siya. Ngunit wala na siyang magawa. Nandoon na siya ano ang sasabihin niya. Napansin ni Jobel si Michael na nakatitig pa rin kay Trina. Nag isip siya........"Excuse me Trina, I would like to introduce to you Michael of the Creative Department." pakilala niya kay Michael na natulala at ganun din si Trina. Kilala na nila ang isa't isa. Alam yun ni Jobel. "Michael, I just introduced you to a lady, I think its proper that you shake her hand." utos ni Jobel kay Michael.

Naging sunod sunuran si Michael kay Jobel, lumakad ito papunta kay Trina habang naka extend ang kamay mga dalawang hakbang na lang ang layo nito kay Trina ng simpleng pinatid ito ni Jobel...naka extend din ang kamay ni Trina ngunit hindi ito naabot ni Michael dahil tuluyang natisod ito at napakapit sa "tube" ni Trina na sya namang bumigay at nahubad! Nag HELLO ang dalawang malulusog na SUSO ni Trina! "Aaaaaaaaaaaa!" sigaw nito...habang si Michael ay hawak pa rin ang tube ni Trina na nakahandusay sa sahig na nanlalaki ang mata hindi alam ang gagawin.

Lalong nag kagulo ang mga lalaki na nagtatago sa isang cubicle...nang napansin ito ni Trina..sumigaw ito ulit na takip-takip ang kaniyang dede.."Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" at habang si Jobel ay pangiti ngiti lang sa mga pangyayari. Nang biglang....."What's happening here?"labas ng opis kaagad si Ms. Raven......

Bigla na lang naglaho si Jobel sa eksena ng lumabas si Ms. Raven ng opis niya.

Samantala, makikita si Jobel sa second floor na naglalakad papunta ng elevator na parang walang nangyari.

Nang matanaw ng mga kalalakihan si Jobel ay kumakanta sila nang sabay-sabay ng famous line ng isang commercial ng shampoo "Sumusunod sa galaw mo...sumusunod sa galaw mo..".

Narinig ito ni Jobel kaya namn flinip nito ang kaniyang hair na animoy inarmirol sa tigas, sabay sabi.."Thanks boys, hindi ko alam na napapansin nyo pala ang hair ko..", sabay pa beautiful eyes. "Ha?! Sino nagsabi sa'yo na yung buhok mo ang sumusunod sa galaw mo?" sagot ng isang kaopisina niyang lalaki. "Eh ano pa ba ang sumusunod sa galaw ko....", biglang tanong ni Jobel sa kanila..Ngunit bago pa siya sagutin ng mga lalaki ay napansin niya sa iba ito nakatingin..Sinundan niya ang tingin ng mga lalaki..at ang direksyon nito ay sa dibdib niya..."PLACK!"...parang bowling pins ang mga lalaki na sabay sabay tumumba ng hinampas ni Jobel ang isa sa unahan ng kaniyang malaking hand bag. "Mga bastos!", sabay sigaw nito at pasok sa elevator na bumukas.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home