Entry No. 44 Toothing - Part 2
ONE DAY EARLIER.............
"Kailan lang ba nalulusutan ni Vladimir ang mga bodyguard niya?" tanong ng seksing babae na tanging silhouette lang ang nakikita sa dilim.
"Kapag gusto niyang makapag isa?" sagot namn ng lalaking maton na mukhang rapist sa pelikula.
"Oo nga. Bakit niya gusto makapag isa?" tugon ng babae.
"Kasi ayaw niyang may ibang tao na kasama." sagot uli ng maton.
"Oo nga noh..." sang ayon ng babae.
"Kapag gusto mo pala mag isa....wala kang gustong makasama..bakit hindi ko naisip yun," dugtong niya.
Tuwang tuwa namn ang maton na parang nagyayabang pa sa mga kasamahang goons dahil sumang ayon sa kaniya ang kanilang boss.
WAPAK! isang matinding batok ang natamo ng maton sa babae.
"Gago! Kaya nga gusto mo mag isa..ayaw mo ng may kasama!" paliwanag ng babae na may high blood
"Ang tanong ko! Bakit gusto niya mag isa?! Ano ang dahilan?" mababakas sa anino ng babae na galit ito. "Matutuyuan ako ng dugo sa inyo!"
"Asan ba si Hector?" tanong ng babae sa kaniyang mga tauhan.
"Mam na nonood po ng TV," sagot ng isa
Mga 10 segundo nakatunganga ang mga tauhan niya...nang napansin niya ito....."Tawagin mo inutil!!"
Parang asong nakatiklop ang buntot ng isa niyang tauhan na kumaripas ng takbo para tawagin si Hector. Mayamaya pa ay bumalik na ito.
"Mam mamaya na lang daw, kasi magkausap daw si Marina at Dugong." ang paliwanag sa amo.
"Sinong Dugong?" tanong ng among babae na parang naprapraning dahil wala siyang maalala na kilalang may pangalang "Dugong".
"Sus mam! Hende mo kelala si Dugong?" nabiglang tanong ng isang goon.
"Hindi. Sino siya?" pilit na ina alala ng babae kung sino ang pinag uusapan nila, dahil nagmumukha na siyang tanga sa mga tauhan niya.
"Si Dugong po ang nagsumpa sa tatay ni Marina..at siya rin ang nagbigay ng paa kay Marina..." paliwanag ng kalbong goon sa amo.
"Ha? Bakit walang paa si Marina?" naisip niya na baka isa ito sa mga biktima nila na pinutulan niya ng mga paa dahil ayaw magbigay ng ransom.
"Kasi nga mam si Marina ay sinumpa rin..." paliwanag namn ng isa.
"Sinumpa? Si Marina...sinumpa" sumasakit na ang ulo niya..wala siyang maitindihan.
"Si mam naman ang hina umintindi," nayayamot na sagot ng kalbong goon.
"Hindi ko nga maalala...halika ka dito ipaliwanag mo.." natutulirong tinawag ng babae ang kalbong tauhan.
"Kasi mam ganito yun..si Marina kapag bilog ang buwan nagiging sirena siya..." masigasig namn paliwanag ng kalbo.
"Ah...si Marina.....yung sirena......." saka pa lang nakuha ng babae na ito ay palabas sa TV.
"WAPAK!" isang malutong na batok ang natamo ng kalbo sa amo.
"Punyeta! Wala akong paki alam sa soap opera na pinapanood niya! Tawagin mo si Hector!" sigaw ng amo na animoy nag bubuga ng apoy.
Mayamaya pa ay bumalik ang tauhan....
"Mam..kung di namn daw nakakahiya sa inyo..kung pwede doon na lang daw kayo mag usap." paliwanag ng kalbo.
Biglang parang nag bago ang anyo ng babaeng amo na parang kalmado....Kinuha nito ang baril at "Bang!" Dead. Ang kalbong goon. Nagmamadaling nagtakbuhan ang mga tauhan niya para dalhin si Hector.
ITUTULOY

0 Comments:
Post a Comment
<< Home