Wednesday, November 09, 2005

Entry No. 23 Trend Mill

So meron palang GC si Kent sa Tanso Gym kaya go kami sa gym niya. Panalo ang facilities compare mo sa Slimer's World. Maganda dito at hindi halos puno. Walang akong nakikitang mga jologs. Ang daming papable! So cardio muna ako.....and dami nilang trend mill...hindi ka maiinip kasi may cable tv...tpos ng 15 minutes na trend mill...weights na ako kaagad...sobrang liit kasi ng biceps ko..matagal na rin hindi ako nakakapag gym..kaya 10 sets lang ako...

Dretso na ako kaagad sa steam room...which yun namn talaga ang pinunta ko dito...konti lang ang tao...mainit..syempre...nag adjust ang mata ko sa usok..bago ko naaninag ang mga tao doon...parang familiar sa akin ang lalaking..sa aking bandang harapan....kinusot ko ang mga mata....para makita siyang mabuti...syet.. si sir......dito pala siya nag gi-gym...

Teka bakit ba ako kakabahan eh hindi namn niya ako kilala...sa dami ba namn ng empleyado nila sa kumpanya..paano pa niya ako makikila..si Sir Gabriel..ang may ari ng kumpanya....at saka wala namn akong ginagawang masama...so deadma na lang..wala pa namn office hours...at hindi namn nila pag-aari ang gym..

Pinikit ko na lang ang mata ko...habang i ni enjoy ang steam...mga 5 minuto rin siguro akong nakapikit hanggan sa may naramdaman akong kumikiskis sa aking hita...nagulat ako sa nakita ko...(itutuloy)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home