Entry No. 27 Malaking Puno Part 3
"Ha ha hahahahaha ha"
Aba! Sino ba itong gagang iton na pumatid sa akin...teka nga..."Ay! walang hiya ka!"napasigaw ako hindi ko malaman kung matatawa ako o maiinis....si Kevin ang bakla kong kaibigan na cyber cafe owner naalala ko na dito rin pala nag g gym. "Mega project ka kasi bakla."ang ni Kevin na may ngisi pa rin sa labi.
"Ang aga mo yata ng gym ngayon?"tanong ko. "Wala lang. Lumalaki na namn kasi akech eh."sabay turo ng nguso sa pumasok sa steam room. Panalo ang pumasok ang ganda ng abs at mukhang Delicious! Naupo siya sa may sulok na kung saan wala masyadong tao...sabay sandal sa dingding at pinikit ang mata..kahit makapal ang usok mapapansin mong kumukuyakoy siya..parang nag babadya..parang nag aantay na may lumapit...mayamaya pa eh may tumabi sa kaniya na maganda rin ang katawan..pero hindi ganon kagandahan...semi kalbo siya..at makapal ang labi...
Nagkatinginan kami ni Kevin at parang pareho kami ng iniisip binalikan namin sila ng tingin at naghintay sa mga susunod na mga kaganapan...Pareho silang nakasandal ngayon sa dingding at pikit matang nagkukuyakoy..hanggan sa tumama ang tuhod nila sa isa't isa....kunwari hindi sinasadya at mag so sori sa pareho..napangiti kami sa eksena parang napalakas yata ang tawa ni Kevin.....napatingin ang semi kalbo sa amin ng matalim.."DAOT" yun ang sinasabi ng mga mata niya...
Dun ko pa lang napansin na kaninang nag wo work out ako hindi ko nakita si Kevin kahit saan. Marahil ay tumuloy siya dito sa steam room pag pasok pa lang niya ng gym....kung tama ang hinala ko...siya ang binansagan na DAOT sa steam room ng gym na ito! Kaya siguro sinama ako dito ni Kent para kausapin si Kevin..dahi hindi siya makahada dito...dahil mas close kami ni Kevin...baka mas makumbinsi ko siya na hindi mandaot ng kapwa niya bakla...
Akma ko ng kakausapin si Kevin ng biglang tumayo ang dalawa na sa sulok at lumabas ng steam room..na may matalim pa rin na tingin kay Kevin ang isa...parang sa wari ko ay matagal na itong di daisy ni Kevin..kaya ganun na lang siya makatingin..
Tumayo na rin si Kevin bago pa ako nakapag salita..gusto ko sana sumunod pero..ewan ko kung bakit hindi ko nagawa...nag stay pa ako ng mga isang minuto ng biglang bumukas ang pinto at niluwa si Kent..maganda ang katawan ni Kent kumpara sa aming lahat mag kakaibigan...naupo siya sa tabi ko.."Nasalubong ko si Kevin ah." bati niya sa akin...tumungo lang ako..
"Pam paki sabihan mo namn si Kevin na huwag namn man daot dito."paki usap niya sa akin...hindi ko alam kung paano ko sasagutin yun...kaibigan ko rin namn si Kevin..ayokong masaktan ang damdamin niya...pero sa palagay ko kailangan ko siyan kausapin..hindi ganon kagandahan si Kevin may edad na siya at malaki ang tiyan..kahit siguro gaano kakapal ang usok dito sa gym ay wala pa rin magkamali sa kaniya..oras na makapa ang tiyan niya at mukha..naaawa ako kay Kevin..pero naisip ko na maaari siyang mapahamak kung ipagpapatuloy niya ang ganitong gawain.
"Bayaan mo Kent, kakausapin ko siya."sagot ng pailing...tumayo ako at hanada ng lumabas ng biglang napigilan ako pa paghawak ni Kent sa kamay ko...parang na ilang ako dahil muntik na talagang may mangyari sa amin ni Kent noon...crush na crush ko siya noon pa..pero ung maging close na kami parang naisip ko hanggan dun na lang yun...hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko...tinignan ko siya sa mata..."Salamat"yun ang ang lumabas sa bibig niya....punyeta! Salamat, akala ko kung ano..syet...
"O sya. Sige kausapin ko na siya." basang basa ako sa eksena na yun hindi ko alam kung pawis dahil sa steam o dahil sa pag hawak ni Kent sa kamay ko ng mahigpit....nasa labas na ako ng steam pa puntang shower room...ng narinig ko ang isang galit na tinig nagmumula dun....
"Ano! Hindi ka ba titigil sa kakasunod sa amin!"

1 Comments:
Enjoyed a lot! Imitrex videos medical malpractice groups Rulemaking hairy nude woman nude body building woman refinance loan in oregon keyword vicodin pic Tempe arizona retirement party planning lines cruise accessory delta faucet Awning cleaning companies Circuit breaker for prescriptions http://www.antispywaresoftware0.info/alarm-fire-ltd-uk.html Phentermine online cheap
Post a Comment
<< Home