Entry No. 25 Malaking Puno Part 1
"Pamfilo!" Kasabay ng boses na yun naglaho ang usok at si Berto."Oy bumangon ka na diyan at mainit na ang tubig mo! Natulog ka namn pala! Damuho ka!"ang nanay ginigising ako sa aking mala climax na panaginip. Punyeta! Panaginip lang pala ang lahat...kaya pala nagtataka ako paano na punta si Berto sa Tanso Gym...mayamaya pa umalis na ako ng bahay, dala ang lumang kotse ng tatay ko.
"Uy..mukhang nagbago ka na ah."bati sa akin ni Kent sa meeting place namin sa isang fast food."Ang aga mo ah." sabay inom ng hot chocolate ko. "Meron ka bang GC sa Tanso Gym?" tanong ko na may halong "AA" (AA = asa asa gagah hindi yan baterya!)
"Meron. Bakit? Gusto mo doon tayo mag gym today?"ang sagot niya. Parang mababaliw ako. Baka magkatotoo ang panaginip ko...hindi maitago ang saya sa akin mukha."Oh bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang nanalo ng 1 million...Eh good for one visit lang itong VIP Pass ko."sabay abot sa akin ng VIP Pass niya ng Tanso Gym..hinawakan ko iyon na parang doon na ka depende ang buhay ko.."May dala ka palang kotse yun na lang gamitin natin, para tipid tayo sa gasolina."sabay kuha ng bag niya at aktong aalis na.."Yung kotse mo na lang, tumitirik yan eh."sagot ko baka ma purnada pa ang gym namin.
"Ok sige. Pero sa Slimers tayo mag gym."loko ito talaga si Kent kahit kailan. Hindi mo talaga magugulangan. Syempre ang ending pumayag ako...excited na rin ako pumunta sa Tanso Gym it's my first time actually....Tanso Gym here we come...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home