Thursday, November 03, 2005

Entry No. 29 Malaking Puno - Last Part

Punyetang Malaking Puno yan! Forever na lang yan ang title ng Entry eh wala namn akong nababasa tungkol sa malaking puno. Ano ba? Ano ba? Ay! Mag react ba? Sowe po, last na part na nga itids. Wag po magalit

Anyway, back to our novel...

Tulala pa rin akong nakaupo sa steam room...hindi alam ang gagawin...habang si Kevin ay clap ng clap...samantalang ang lalaking yun ay tinapatan ang mukha ko ng bukol niya....NADAOT KO SI KENT>>SI KENT NA NAGBIGAY SA AKIN NG GC PARA MAKAPAG GYM DITO>>yun ang naisip ko...kaya..tayo ako at iniwasan ang pagkain na nakatapat sa akin harapan....

Hinanap ko si Kent sa shower room....nagpapatuyo na siya ng buhok ng nagkita kami...deadma siya...."Sori Kent hindi ko sinasadya."paumanhin ko sa kaniya."Okey lang yun..at least hindi mo siya pinatulan...okey na yun"sagot niya na nakatingin sa salamin habang pinapatuyo ang buhok ng tuwalya."Alam mo Pam si Kevin talaga ang ina alala ko."nag bago ang inis niyang mukha sa parang naaawa."Paano kung wala tayo dito? Sino ang magtatanggol sa kaniya?"nabigla ako sa sinabi niya..hindi ito ang Kent na kilala ko. Karaniwa'y wala siyang paki alam sa mga nakapaligid sa kaniya...basta hindi siya naabala...okey lang...deadma lang siya...

Well hindi siguro ganun ka genuine ang malasakit niya kay Kevin since nadadaot siya nito...kaya?..ay! naku ayoko ng isipin..sumasakit lang ulo ko...parang napakasama namn kong tao para husgahan si Kent ng ganun...well let's just say na he really cares..period.

Pagkabihis namin ng pang opis diretso na kami pumasok sa kaniya kaniyang opisina. Sinabay ko si Kevin sa car at kulang na lang halikan ang paa ko sa pasasalamat dahil yung na daot ko kanina na lalaki ay nag pahada sa kaniya...hay hindi ko alam kung matutuwa ako o maaawa sa kaniya...sa ibang araw ko na lang siguro siya kakausapin.

Parang ang bagal ng oras...hindi ako mapalagay sa opisina....wala ako nagawang matinong trabaho maghapon..inaantay ko ang uwian...excited na akong makita si Berto sa Malaking Puno(O! Ayan, nabanggit na ang malaking puno!)..Pero mamaya pa yun ng 2:00 ng madaling araw....eh ano ang gagawin ko buong gabi...uwi na lang ako ng maaga tpos..tulog..tpos alis ako ng bahay ng alas dos...tama..ganun nga!...Ay! Excited na akis!

"Oy! Ano ang nginingiti mo dyan?"tanong ni Glenda..ang babaeng bakla opis mate ko...alam na ni Glenda na berde ang dugo ko dahil nakita ako minsan sa Malate at kasama ang mga tukling kong kaibigan..hindi na ako nag deny kaya mega prends na kami since then..pero syempre marami pa rin sa opis ang di nakaka alam...secret lang namin...carry lang..hindi lang talaga ako out...

"Ay, basta secret."sagot ko sa kaniya sabay talikod at kunwari may gawa ako sa computer..konting oras pa umuwi na kami...eksatong 6pm ako umuwi dahil maaga ako dumating sa opis...malaki na ang improvement ko sa attendance...isang beses na lang ako malate sa isang linggo...

Pag uwi ko ng bahay..naligo ako..kumain...at natulog...nagtataka ang nanay ko sa mga kinikilos ko...bihira kasi talaga ako umuwi ng maaga..usually umaga na...deadma lang..baka humaba pa ang usapan...

ALAS DOS impunto ako nagising..kaya super madali ako dahil baka mainip si Berto sa kahihintay at umalis...naligo ako at dahan dahan akong lumabas ng bahay...

Madilim pa...malamig..naka shorts lang ako para easy access...hehehe...basa pa ang buhok ko sumugod sa Malaking Puno...halos mapigtas ang tsinelas ko sa kakatakbo papunta sa tagpuan...bumagal lang ang lakad ko ng malapit na ako...

Ayun siya...natatanaw ko siya...wala siyang pang itaas...at suot niya ang maong na shorts na super igsi....lalapit na ako ng may biglang lumabas pang isang tao mula sa puno......hindi ko siya mamukhaan....payat siya...naglalambingan sila...nagkubli muna ako sa poste...para matiyak na si Berto nga yun..baka si Ryan ang kasama niya...yung walang titi (see Entry No. 10 Pssst Part 2)...pero mahaba ang buhok niya...parang pamilyar sa akin ang mukha niya...sino siya?

Punyeta! Naunahan ako...kung bakit ba kasi nahuli ako ng gising eh....Ano ang gagawin ko?...Syet naghahalikan na sila...parang sabik na sabik sila..madilim..hindi ko makita ang mukha ng babae...bumababa si Berto sa leeg ng babae.....Syet talaga!....Iistorbohin ko ba sila?..pero babae ang kaeksena niya eh...wala akong laban...baka babae talaga ang type niya...lost ako pag nagkataon...pero may sulat siya sa akin sa supot ng pandesal....dalin ko kaya iyon...para pakita na may reservation ako...(na imagine ko..."Ehem, excuse me, i have a reservation."paliwanag ko"Ah..I am sorry..but this is a first come first serve basis."sagot ng babae)....ang cheap...ang chaka ng concept....hindi ko gusto

Syet namn...ano ba ito...di ko kaya sila panoorin..nasusuka ako..aalis na lang ako....

Mamaya na lang punta ako ng bakery kausapin ko siya...tama set na lang uli kami ng oras...ayoko na umeksena dito...uwi na ako...Dahan dahan akong umuwi sa amin....

Pag dating ko sa amin...naisip kong mag toothbrush...wala ng toothpaste..naghanap ako sa kusina...pagbukas ko ng isang drawer meron akong nakitang malaking kahon ng tsokolate..binuksan ko baka dun tinatago ni nanay ang toothpaste...bumulaga sa akin ang napaka raming supot ng pandesal...bakit namn tinatago pa ni nanay dito ang mga supot na ito...napansin ko...may nakasulat....sulat ni Berto......"Der Enday, Mess na keta...keta tayo mamaya sa malakeng pono....I lab yu..Berto "....para kay Inday!

Si Inday ang kadukit ni Berto sa Malaking Puno!....Naloka ako........Leche..naisip ko....si Inday talaga ang bumibili ng pandesal sa umaga.....hindi para sa akin ang sulat ni Berto sa supot ng pandesal...parang matutunaw ako sa kahihiyan...Mabuti na lang....mabuti na lang at nahuli ako ng dating...baka nadagukan pa ako ni Berto..syet ang laki pa namn niya...sayang syet...Panalo talaga itong si Inday...

Matagal na pala nila itong ginagawa...mahigpit kasi si Aling Lukring..ang amo ni Berto...hay sayang ka Berto...well at least na gets pa rin siya ng maid namin..panalo talaga si Inday..di na ako nag toothbrush...binuksan ko na lang ang computer at nag konek sa internet.........

Nag check ako ng website ng aming chat room...tinignan ang mga pics nung mga past EB at gay pride march...merong kumuha ng aking pansin....isa sa mga tao dun sa gay pride march....kung di ako nagkakamali...siya si........... Sir Vladimir!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home