Entry No. 33 One Point
LUNCH OUT
Pam: Parang unfair yata na i-judge natin si Ms Raven ng ganun ganun lang.
Glenda: Ngayon ka pa nakonsensya pagtapos nang pinagsasabi mo sa kaniya.
Pam: Pero sa palagay ko hindi naman yung ang gagawing basehan ni Sir Vladimir sa pag hire sa kaniya.
Glenda: I am sure, that's not the way.
Pam: Bigyan natin siya ng chance. Baka namn magaling siya talaga. Eh galing pa siyang states.
Glenda: Well....ang importante sa narinig natin kanina hindi siya type ni Sir Vladimir.
Pam: Ay, oo nga. Bakit kaya ganun na lang ang pag ka hate niya kay Ms Raven?
Glenda: Well..siguro masyadong agressibo ang lola mo kaya ganun.
Pam: Siguro nga ang type niya eh yung mahinhin. Parang ako...hehehehe
Glenda: Ay! Gud Luck! Ako ang type niya noh. Nakita mo ba yung mga tingin niya sa akin?
Pam: Ay hinawakan ka na ba niya sa balikat?
Glenda: Hinawakan kaniya bakla, kasi parang kang naginginig na bangkay pagkinakausap ka niya.
Pam: Di kaya. Inggit ka lang. At walang gamot diyan.
Glenda: Ay sori. Magaling ako kumilatis ng tukling noh. Nung unang kita ko pa lang sayo alam ko mahilig ka talaga sa Barbie.
Pam: Hahahha..ay gagah ito ah. Baka marinig ka ng mga tao diyan.
Glenda: Care ko. Bakit pa ayaw mo pa magladlad. Hindi ka ba nahihirapan.
Pam: Well ako nga yung type na closeted. Gets mo? Kasi noon pa. Wala talaga akong barkadang bading since childhood until college. Ito lang nung ma learn ko ang inernet.
Glenda: So sa inyo hindi alam na sirena ka?
Pam: Hindi noh! Pero feeling ko alam ng nanay ko. You know...mothers always know. Pero hindi namn niya ako tinuturing na bading. Siguro ayaw lang niyang tanggapin.
Glenda: Parang unfair namn yan. Dapat ngayon ina accept na ng family kung ano ka. Eh kung ang family mo hindi ka ma accept eh sino pa a-accept sayo? Yung ibang tao? Hindi yan maganda sa upbringing ng bata. Syempre mawawalan sila ng tiwala sa sarili nila and this could affect their future.
Pam: Huwag ka mag alala sister. Marami dyang family na accepted na ang sexual orientation ng mga anak nila especially kung sila ang nagpapasok ng pera sa bahay. Well siguro parent instinct lang na protektahan ang mga anak nila.
Glenda: Tama ka diyan sister. Marami na akong kilala na pamilya ang ganiyan. Kung sino pa yung straight siya pa yung irresponsable at sakit sa ulo.
Pam: Well hindi namn siguro lahat.
Pam: Wala na bang ibang topic?
Glenda: Ay oo nga pala...hindi mo na naikwento sa akin yung nakita mo yung pic ni Sir Vladimir sa internet.
Pam: Ay! Oo nga..kasi ganito yun..maaga kasi ako nagising...dahil may kadukit sana ako...yun pala yung katulong pala namin ang kursunada..embyerna. Well anyway ganito yun.
Glenda: Leche puro ka ganito yun...kaya hindi natatapos ang kwento mo eh.
Pam: Eto na nga eh! Suplada ka.So ganito yun...hehehhe..joke.joke.joke.
Glenda: Ano nga punyeta kang bakla ka!
Pam: Ay gagah ka huwag kang maingay.
Glenda: Ay sowri...
Pam: So maaga akong nagising...eh ayaw na akong dalawin ng antok...so internet muna ako..tpos visit ko yung website namin, ng channel sa chat.
Glenda: Tpos?
Pam: Tpos nung pumunta ako sa mga events nagawi ako sa Gay Pride March..tpos nakita ko siya na isa sa mga participants.
Glenda: WHAT?!(tono ng ng isang lola sa ponds commercial)
Pam: Pero hindi namn siya naka mojer. Decent namn ang hitsura niya. Pero di pa rin ako sure.
Pam: Ay! May na isip ko. Point system tayo.
Glenda: Ha?
Pam: Eh di ba pareho nating bet si Sir Vladimir. Ang usapan nating kung tukling siya akin siya, pero pag hindi sayo siya.
Glenda: So? Para namng makukuha natin siya. Hello?
Pam: Gagah katuwaan lang. "AA" ba.
Glenda: Okey iam listening.
Pam: Okey for every proof or any hint that he is gay or straight earns us a point respectively. Katulad nung nakita ko pic niya sa internet sa Gay Pride March one point na ako.
Glenda: Ay! Kailangan ko muna makita yang site na yan. Hindi tayo sure kung siya nga yun.
Pam: Cge pagbalik natin sa opis
OFFICE
Glenda: Ay hindi namn siya yan eh. Malayo tignan mo yung buhok.
Pam: Symepre matagal na yan noh.
Glenda: Michael paki tignan mo nga ito. Si Sir Vladimir ba yan?(Hinila si Michael at binubulungan na "sabihin mo hindi.)
Michael: Aray! Kinukurot mo ko eh. Hindi siya yan. Ang layo. Teka ang gaganda ng mga babae diyan ah. Saan yan?
Glenda: Tanga, mga bakla yan.
Michael: Huh? Parang mga babae. (Sabay tawag sa isang opis mate sa kabilang cubicle) Uy Dexter tignan mo ito. parang mga babae 'no?
Dexter: Gago mga babae yan. Ay teka oo nga noh. Kaninong picture yan?
Glenda: Sa akin..(bawi kaagad ni Glenda at i clo close na ang window ng magtawag pa ng maraming ka opis mate si Michael)
Hanggan sa tinignan na nila lahat ang pictures sa website nagkumpulan na sila sa cubicle nila Pam. Kinakabahan na si Pam at Glenda baka mahalata sila ng mga boss. Hanggan sa napansin nila ang pamilyar na mukha. Nagtalo sila kung si Sir Vladimir nga yun. Habang si Pam at Glenda ay busy nagbibilang kung ilan ang nag sabi ng hindi at oo.
"Anong kaguluhan ito?"si Boss Fred nasa likod, ng makita ni Michael inakbayan ang boss at dinala sa computer ni Pam at tinuro ang picture na kung saan nandoon si Sir Vladimir."Sir si Sir Vladimir ba yan?"tanong ni Michael, hindi malaman ni Boss Fred kung magagalit siya o hindi ng makita ang picture, tinitigan niya mabuti. Tie na si Glenda at si Pam pag umo oo si Boss Fred lamang si Pam."I don't think so. Hindi siya yan. Go back to your work people!"pagtatapos ni Boss Fred. Tuwang tuwa si Glenda.
"Fred! There you are. Excuse me. My dad would like to speak to you."biglang pasok si Sir Vladimir. Hindi na gawang ma close ni Pam ang Picture dahil nakita na ito ni Sir Vladimir."Hey! That picture looks familiar."bati niya sa larawan. "That's Gay Pride March. We are one of the sponsors there."dagdag niya. "That's me on the right."patuloy niya."I was very fat then. Hahaha. Oh Fred my dad wants to talk to you. Come along"sabay alis sa cubicle nila Pam.
Hanggang tenga ang ngiti ni Pam habang si Glenda ay naka simangot. "One Point."

0 Comments:
Post a Comment
<< Home