Saturday, October 29, 2005

Entry No. 34 T-Back

Glenda: Uy Pam! Meron ng bagong secretary si Sir Vladimir.
Pam: Huh? Sino? Babae ba?
Glenda: Yup.
Pam: Namit mo na ba?
Glenda:Well hindi pa. Pero i am sure kasing maldita siya ni Ms Raven.
Pam: Paano mo namn nasabi eh hindi mo pa nga siya na mi-mit?
Glenda: Kasi si Ms Raven ang nagpasok dun noh. I heard na dati niyang assistant ito.
Pam: Ay, nakakaloka. Meron talagang plano ang lola mo na matiklo si Sir Vladimir.
Glenda: Yez! At kailangan kumilos tayo agad.
Pam: Ha? Anong gagawin mo? Anong balak mo?
Glenda: Well watch ka na lang.

Tumayo si Glenda at nagpunta sa secretary ni Ms Raven. Natatanaw lang ito ni Pam sa kalayuan, pero sigurado si Pam na pina plastic na namn ni Glenda ang assistant ni Ms Raven. Mayamaya pa ay bumalik na si Glenda sa cubicle nila.

Pam: Anong sinabi mo sa assistant ni Ms Raven?
Glenda: Well sabi ko kung na mit na niya ang bagong assistant ni Sir Vladimir. Eh hindi pa daw. Tpos mega kwento ako na magaling daw ito. At siya dapat talaga ang kukunin instead of her. Pero walang magawa si Ms Raven since ang big boss ang nag assign ng assistant. Siya ang kinuha dahil matagal na siya dito at kailangan yun ni Ms Raven dahil bago lang siya.
Pam: Ay gagah ka. Anong sabi ng assistant ni Ms Raven ano nga pala ang pangalan niya?
Glenda:Si Jobel. Ang joga hanggan bilbil. Wala siyang nasabi kung di tango tango lang. Feeling ko para siyang na insecure sa assistant ni Sir Vladimir. Dahil sabi ko maganda ito at smarte.
Pam: Ay paano mo nasabi yun eh hindi mo pa nga na mi-mit?
Glenda: Gagah! Nakita ko na siya. Pero di pa kami nag usap. 'Day malalaos si Rosanna Roces sa pag ka flawless. Pam: Ay ganun. Talagang tuso itong si Ms Raven. Binabantayan talaga si Sir.
Glenda: Korek. At ang sabi ko rin kay Jobel baka siya ang mag orient kay Trina yun ang pangalan ng assistant ni Sir. Naloka ang putang Jobel parang masusuka siya. Biruin mo ang tagal tagal na niya dito pero naging assistant siya ng isang baguhan. Sabi ko sa kaniya dapat siya ang assistant ni Sir Vladimir dahil siya ang mas matagal dito sa kumpanya.
Pam: Ay putah ka. Paano mo namn nalaman lahat yan eh bago ka lang dito.
Glenda: Ang hirap kasi sayo lagi kang kumakain sa labas. Dapat kumakain ka rin sa canteen andun lahat ang chizim.
Pam:Ay ganun ba. Hindi ko alam. Kasi namn ang mamahal ng fud doon.
Glenda:Gagah! Sumabay ka kay Boss Fred palagi para libre ka.
Pam: Ay gagah ito. Mapagsamantala ka.
Glenda: Hindi namn dear. Mabait lang talaga si Boss Fred. Pero ito 'day nakita mo na ba si Jobel nung pagtapos ko siya kausapin? Nag punta agad siya sa HRD para magreklamo.
Pam: Ha? Dahil hindi siya ang ginawang assistant ni Sir Vladimir?
Glenda: Yez. At nandun ngayon si Trina sa HRD. Eh hindi pa niya nakikita si Trina. At alam mo si Jobel mega complain yun. Taklesa ang putah na yun pag na aagrabyado siya. Dali Pam halika puntahan natin. Tignan natin kung ano ang nangyayari, dali.
Pam: Sige.

Isang floor lang ang layo ng HRD sa kanilang department kaya nag stairs na lang sila. Hindi pa sila nakakalapit masyado sa HRD eh naririnig na nila ang boses ni Jobel.

Jobel: Ano ba ang labanan dito? Pagandahan? Palakasan?
HRD Manager: Jobel, i think you should consider yourself fortunate, Ms Raven is a very competent lady.
Jobel: Pero bago lang siya sa kumpanya! At assistant lang siya ni Sir Vladimir. Tpos ang assistant niya ako na ang tagal tagal na dito. Tapos itong si Trina na sinasabi nila eh hindi ko alam kung saang impyerno hinugot eh bigla na lang mag a-assist sa big boss.
Trina: Excuse me. I heard you mentioned my name. Were you referring to me with your last statement?
Jobel: Ikaw ba si Trina? Hindi ka namn pala kagandahan eh. Maputi ka lang.
Trina: Well I am sorry. I don't know you. I am not here to mingle with a pathetic pig like you. Excuse me, I have work to do.
Jobel: Aba akala mo kung sino ito! Um!

Tinulak ni Jobel si Trina kaya nadapa ito at tinamaan niya ang water dispenser na agad bumagsak at nabasag kasabay ng pagtapon ng napakaraming tubig. Pinilit ni Trina na tumayo ngunit sadyang madulas ang sahig kapag basa kaya sumalpak ang puwet niya sa semento. Tawa ng tawa si Jobel, ngunit natigilan ito ng hinampas ni Trina ang mukha niya ng makapal ng telephone directory na nakuha niya sa mesa ng HRD manager. Tumaob si Jobel at tamang tamang nadaganan niya ang HRD Manager na nagtangkang awatin sila. Halos hindi makahinga ang HRD Manager sa bigat ni Jobel. Hahampasin pa sana ni Trina ng telepon directory uli si Jobel ng nakailag ito at nakatayo sabay sabunot sa buhok ni Trina. Madulas ang sahig kaya pareho silang natumba at habang nag sasabunutan. Parang aatekihin sa puso ang HRD Manager sa pagtawag ng saklolo dumating agad ang mga ibang empleyado para awatin sila. Basang basa na sila pareho. Ayaw mag pa awat. Dahil malaki si Jobel kawawa si Tirna kaya pilit siyang tumayo ng mabitawan ni Jobel ang buhok niya. Bago pa makalayo si Trina ay nahila ni Jobel ang palda niya. At tuluyang natanggal ito. Naka T-Back si Trina kaya namn ang mga lalaki ay hindi uma-awat. Hindi alam ni Trina kung paanong takip ang gagawin niya sa kaniyang bulaklak. Pilit niyang binabawi ang palda niya kay Jobel na nakahandusay pa rin sa sahig. Ngunit sadyang malakas si Jobel at hindi ito mabawi ni Trina. Sumuko na si Trina at naglakad na lang ito na taas noo papunta sa elevator. Napanganga na lang ang mga nandoon. Hanggan sa magsara ang elevator papuntang basement. Tuloy tuloy naglakad si Trina sa parking na parang wala lang hanggan sa maabot niya ang kotse niya at pinatakbo ang sasakyan niya pauwi.

'Bilib talaga ako sayo." yun lang ang nasabi ni Pam kay Glenda na na ngayon ay naka ngiti at nakataas ang kilay.