Thursday, October 27, 2005

Entry No. 36 Care for a ride?

"Stop!" mabilis natapakan ni Pam ang break ng kotse niyang ka karag karag. Hindi niya inaasahan na pahintuin siya ng guard ng building. Binaba niya ang salamin ng kotse para marinig niya ang sinasabi ng guard. "Ser pasensya na po. Kailangan lang po ng masasakyan ni Ser Vlademer, nasira po kasi ang kutsi niya."pakiusap ng guard.

Napalunok si Pam sa sinabi ng guard. Hindi siya nakapagsalita agad. Bakit ako pa? Naisip niya. Wala na bang ibang car diyan? Bago pa tuluyang magkapagsalita si Pam bumukas na ang pinto sa passenger side at naupo si Sir Vladimir na may matamis na ngiti. Parang gustong matunaw ni Pam sa mga sandaling yun. "I am really sorry to drag you into this. If you have other engagement, I could just take a cab outside?" para siyang batang nagmamaka-awa na ang sarap kurutin.

Eh ano pa ba ang gagawin niya? Eto na nga nakasakay na sa kotse mo? Porket sila ang may ari ng kumpanya pwede na ba nila gawin ito? Hindi tama. Tapos na ang opis hours. Mali ito. Wala na silang paki alam kung ano ang gagawin ng mga empleyado nila after opis.

Paano kung ganito namn ka guwapo ang boss mo? Mareresist mo ba?

"You have to forgive me sir. I am sorry." sabi ni Pam na parang wala lang. Tama ba ito? Sagutin ba ng ganun ang boss? Tinatanggihan ba niya si Sir Vladimir?

"This is an old car of my dad. And I cannot assure you of a satisfactory performance." dugtong ni Pam. "Its perfectly alright. I am the one who should be apologizing."sagot namn ni Sir Vladimir na nareleave sa response ni Pam ang akala niya ayaw siyang pasakayin."Can we be less formal?" biglang naging serious si Sir Vladimir, pero cute pa rin siya. "Magtagalog na lang tayo. Pilipino namn tayo eh. Okey lang ba?" dagdag pa niya.

Parang maiihi si Pam o lalabasan siya sa mga sandaling yun "Ay! Okey ako dyan."mabilis niyang sagot. Bigla siyang napahawak sa bibig niya parang may bahid yata ng kabaklaan ang pagsabi niya. "Ehem. Okey lang sir basta ikaw." sabay bawi at tapak sa gasolina. "Hay salamat talaga. Pasensya ka na at naabala kita." nakahinga ng maluwag si Sir Vladimir sa sagot niya. "Nagsasawa na kasi ako sa kakaingles."sabi niya habang ni lu-loosen niya ang necktie niya at umupo ng kompurtable na parang nasa sofa ng bahay nila. Sa mga gilid ng mata ni Pam sinilip niya ang bukol ni Sir Vladimir sa pagkakaupo niyang yun. Baka ma sight siya ng bukol. Hay ang sarap ng pakiramdam niya pag kumakambyo siya dahil tinatamaan niya ang tuhod at hita ng poging boss niya. Parang meron siyang na sight na bukol sa pants ng amo. Parang wala siyang naririnig na sound na lumalabas sa bibig ni Sir Vladimir. Basta pasulyap sulyap siya sa bukol at face ni Sir Vladimir. Ang cute cute niya talaga. Yung dimples niya pag ngumingiti at matangos na ilong. Mapuputing ipin. Mapungay na mata. Parang slow motion ang lahat. Ayaw na ni Pam matapos ang sadaling yun. Hanggan sa biglang "Krek"

"Shit! Namatayan ako ng makina." biglang napasabi ni Pam. "Sorry sir. Where are we heading anyway?" paumanhin niya sabay start uli ng kotse. Masyado kasing busy sa pagsulyap itong si Pam eh. Kaya ayan namatayan ng makina. "Greenbelt tayo." sagot ni Sir Vladimir habang tinuturo niya ng kamay niya ang daan na mas malapit. "Alam mo Pam..Pam is ur name right?"tanong niya sa namumulang bakla. "Yes....Sir..that is right." parang nilabasan yata ang putah. Kinilig siya dahil naalala ni Sir Vladimir ang pangalan niya. Shit he remembers my name. Grabeh na ito. sabi niya sa sarili. Nababaliw na yata ang putah. "Ang tunay na dahilan kung bakit ako sumakay sayo ay hindi pa rin kumpirmado. Pero nag iingat lang kami. Na gather ng Intel namin na parang may gustong kumidnap sa akin." pagpapaliwanag niya habang patigin tingin sa side mirror. "Kaya kailangan araw araw baguhin ko ang routine ko." dugtong pa niya. "Ang hirap...." buntong hinininga niya habang may dinudukot siya sa jacket pocket niya. Natahimik si Pam. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Bakit siya pa ang napiling sakyan. Baka mapahamak sila. Anong ang gagawin niya? Baka magtitili siya pag dumating ang mga kidnappers. Naku hindi magandang concept ito.

"Your car was on the way of the original plan. Since my body guards suspect that the kidnappers know what car i am riding next. They decided its better that i take a car with a unfamiliar face. Such as yourself." hindi alam ni Sir Vladimir kung bakit niya nasabi ito lahat kay Pam. Alam niyang hindi dapat ito sabihin para hindi matensyon ang kasama niya. "I don't suppose to tell you this. But i feel you should know. You don't really have to worry, all my body guards are following us in stealth mode." pinapaliwanag niya ito habang pinipisil niya ang braso ni Pam. Parang ayaw muna sumagot ni Pam para mas matagal ang hawak sa kaniya ni Sir Vladimir. Kasehodang dumating ang mga kidnappers. Pwede na siyang mamatay sa mga sanadaling yun. Yun ang feeling niya. Eh kung patayin kaya talaga natin ang malanding baklang ito. Keri?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home