Entry No. 38 Carpenter Party - Part 1
Uy! Pangit may nag text! Tunog uli ng cell phone niya.
Go k n here. May mga err!
Sender:
Rainier
+09168785655
Nag "U" turn si Pam ng makakita ng pagkakataon. "Carpenter party! Here i come."
Carpenter Party - party ng mga bakla kung saan natutulog sila ng mas maaga at nagigising ng madaling araw. Para bosohan ang mga karpenterong naliligo sa tapat ng building na tinutuluyan ni Rainier na meron nangyayaring konstraksyon.
Si Rainier na paminta na stage actor. Nakatira sa condo sa Makati. Sa parte ng syudad na kung saan palagi na lang may ginagawa o tinatayong building. Meron siyang sariling telescope. Pero ang mga bakla ay nagdadala ng kaniya kaniyang telescope para di maiwanan sa palabas.
Meron lang one time na hindi nila sinasadya na natapat nila ang telescope ni Rainier sa isang construction site ng madaling araw at natambad sa kanila ang mga makikisig at matitigas na katawan ng mga lalaki na sabay sabay naliligo. Merong nakahuabd may naka shorts, may naka briefs. Kaya simula noon kapag may konstraksyon nag o-overnight sila kay Rainier at kaniya kaniya na silang dala ng telescope. Trip lang nila. Isang bonding moment na rin nila na magsama sama ng buong magdamag. Usually ginagawa nila ito Friday night para walang pasok bukas.
Chineck ni Pam kung nasa glove compartment ang telescope at saka humarurot ng takbo pa punta kina Rainier. Kailangan makakuha siya ng magandang spot sa condo ni Rainier. Baka ma zero na namn siya maski sa boso lang.
Pag dating ni Pam sa condo ay nandun na si Kevin at nagluluto. Masarap talaga mag luto si Kevin. "Hello Boom. Kamusta ka na bakla?" bati sa kaniya ni Kevin habang hawak ang sandok. "Eto nangangarap pa rin na maangkin ang prince charming ko." sagot ni Pam at akmang i dudutdot ang daliri sa niluluto ni Kevin, nang biglang pinalo ito ng sandok bago pa ito sumayad sa dish. "Hep! Bawal yan gumamit ka ng kutsara." saway ni Kevin.
"Hi Pam." pagbati ni Rainier na pa beso. "Hi Rain." sagot ni Pam ng sinuklian din siya ng beso. "Ano na?" tanong sa kaniya ni Rain habang hawak niya si Pam sa magkabilang braso na parang hindi sila nagkita ng mahabang panahon. Bago pa masagot ni Pam ang tanong ni Rainier ay dumating na si Kent. "Hello guys! I brought some wine." Sinalubong siya ni Rainier at nag nginitian lang ni Pam si Kent sabay punta sa sala. Namataan niya ang telescope ni Rainier at doon agad nagtungo. Sumilip. Paikot ikot sa mga kapitbahay. Hanggan sa may humili ng kaniyang atensyon. Huminga siya ng malalim at bahagyang tumigil sa pagsilip. At buong todo finocus sa tinitignan.

2 Comments:
What a great site » » »
bakit hindi ako naka attend ng carpenter party na ito????????????? DANZER
Post a Comment
<< Home