Friday, October 24, 2003

Entry No. 39 Carpenter Party - Part 2

Hindi napigilan ni Pam ang sumigaw sa kaniyang nakita. "Ay!!!!!!!!" Dali dali nagtakbuhan ang mga bakla papunta sa kaniya. "Ano ang nakita mo?" Tanong ni Rainier habang pilit na finofocus ang telescope sa spot na tinitignan ni Pam. Wala namn silang makita kundi ang Yellow Cab na restaurant.

"Oy ano ba ang nakita mo bakla ka?" ang usisa namn ni Kevin kay Pam na hawak pa rin ang sandok. "Hindi ninyo ba nakita? Meron ng Yellow Cab dito. My favorite pizza parlor!" ang sagot ni Pam na parang nawawala sa sarili.

Batok. Ang natamo niya kay Kent. "Akala namin kung ano na," sabay balik sa kusina ang tatlo. "Ay! Basta o order na ako. Tutal bagay yan sa niluluto ni Kevin na Putanesca." sinasabi ni Pam ito habang dina dial niya ang number ng pizza parlor.

Pagbaba ng phone ni Pam ay siyang ang sabay ng dating ni Dexter, ang best prend ni Pam. "Hello Girls!" bati niya sa lahat habang kumakaway na parang beauty quin. "Rain. Nacheck mo na ba ang mga performer for today? Baka mga tandercats at chakers ang mga iyan." tanong ni Dexter kay Rainier. "Ay ate. Panalo silang lahat. Pinagbatehan ko na sila kagabi...Charing!" sabay bawi ni Rainier sa sinabi.

"Oy joke lang ha Rain. Baka sabihin mo yun lang ang pinunta ko dito." naupo ito sa dinning habang nilalabas ang mga pinamiling beers na nilalagay namn ngayon ni Pam sa freezr. "Of course i knw u came for the friendship," tugon namn ni Rainier.

"Plastic." comment ni Kevin. "Ay, syempre nandito ako para sa luto ni Kevin," sabay lapit kay Kevin ni Dexter. "Ano yan?" tanong niya. "Si Chad," hindi lumilingon na sumagot si Kevin. "Ay! Puta. Putanesca. Gusto ko yan."

"Bakit ba wala pa ang putang Chad na yan? Kakain na tayo," tanong ni Rainier. "Ay, alam mo namn yun always fashionably late. Di bale nang ma-late basta maganda sya dapat." sagot namn ni Kent na nagbubukas na ng beer.

Blag! Bukas ang pinto. Pasok si Chad na naka La Coste na sport shirt, shorts up to her shoes. "You only live once. So dapat maganda ka palagi." ani Chad. "Guys, may ipapakilala ako sa inyo." Mula sa pinto hinila niya ang kasama papasok sa unit ni Rainier. Napanganga na lang ang lahat sa nakita.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home